Monday, January 16, 2017

Welcome to Carnival Food Park!


Napakasayang magsalusalo kasama ang pamilya at mga kaibigan. You know me, I have an eye for great places and food! At ngayong napakadaming food parks ang nagsusulputan kung saan-saan ay sinubukan naming gumala at pumunta sa isa sa mga food parks sa Metro. Nadala kami ng mga paa namin sa Marikina, and I mean this literally, kasi nag-walk-a-thon kami papunta sa isang sikat na food hub sa Marikina ang Carnival Food Park.

At first, I thought may karnibal talaga. Tipong may mga rides like ferris wheel, roller-coaster rides, tapos may circus acts at siyempre kainan nga. But even if it wasn’t what I expected, it still didn’t disappoint me! It was all I want in a carnival-themed food park! Isa itong malaking bakanteng lote na nasa mga 1500+ square meters sa Gil Fernando, Marikina. Isa siyang carnival-themed food park, obvious naman sa pangalan. Haha! What captivated me most was its entrance! It was everything! Makikita mong nagka-cram ang mga tao sa entrance niya para lang mag-video o take ng pictures. Pang-IG talaga (kahit wala akong Instagram). When you enter this food park it feels like you are being transported to a different realm. Tipong Narnia o Alice in Wonderland.

Sa loob ay merong 25-30 stalls, hindi ko na nabilang. Basta maraming food stalls. And they serve a handful of meals and snacks from burgers, pastas, ice cream, rice meals, nachos, fishballs, ramen, and more! Tapos may bar setup sa gitna ng park kaya naman puwedeng-puwede rin ‘to sa mga lasenggero o sa barkada na gusto ng ilang tagay. Ang mga sitting/dining area nila sa itaas na nagsisilbing second floor ay gawa sa mga lumang container vans pati na ang pintuan nila sa comfort rooms ay gawa din sa tinabas na parte ng container van.

Are you excited to go na? G na kayo ng tropa! Kung galing kayo ng Cubao sakay lang kayo ng jeep bound to Marikina. Sakyan niyo ay ‘yung SSS via Blue Wave. Pagbaba niyo ng Blue Wave ay puwede na kayong maglakad sa right side ng kalsada hanggang sa matunton niyo ang Carnival Food Park. Puwede rin kayong mag- LRT2 galing Cubao o Recto tapos baba kayo ng Anonas o Santolan at sakay ng jeep bound to Montalban at sa mismong lugar na kayo nito ibababa. O kung hindi niyo pa rin trip ang mga joyride that I suggested o mga shala-shala kayo at hindi nagji-jeep, sakay na lang kayo ng taxi o Grab o Uber tapos sabihin niyo sa Carvinal Food Park, Gil Fernando, Marikina. Gets na ‘yun ni manong driver!

Tip #1: Don’t go to Carnival Food Park on a weekend. Super daming tao! Mahihirapan kayong makahanap ng seats. Us? We got no choice. Sunday lang ang free day naming lahat. Pero kung bet niyo ang siksikan at waiting galore na may mag-empty ng table/seats, go lang!

Tip #2: We find ways! Oo, nahirapan kaming maghanap ng seats kaya nag-decide kaming mag-ikot at tumingin ng stalls na wala masyadong tao. At meron kayong makikita, ha. Promise. At kung kahit ayaw niyo ng food nila, go lang! Order pa rin kayo ng kahit ano para naman makapag-stay kayo sa reserved seats nila. Pak!

Ngayon, pag-usapan na natin ang hinihintay ng lahat… pagkain! Ang tanong, hanggang saan aabot ang Php 229 mo? Well, aabot ka hanggang langit ng kabusugan! Pito kaming magkakaibigan na pumunta sa Carnival Food Park and we shared everything kaya mas nakamura kami! Bumili kami ng tig-i-isang dish sa iba’t ibang stalls and we shared food. Sharing is caring, right? And it’s always better to share food with your closest friends. It makes the bond stronger. Here’s the list of the stalls and grubs we tried:

Piggin’ Out
Sisig Meal – Php 150
Dito kami nag-stay. Katulad ng sabi ko sa Tip #2 ko, we find ways. Haha! FYI, hindi kami manggagamit katulad ng iba diyan! Mga user-friendly! Pagkatapos nilang makuha ang lahat sa ‘yo, iiwan ka na lang. Char! Haha! Hindi lang kami nag-order ng kung ano lang para magamit ang dining area nila. We really loved their sisig and... the macho, poging owner nito. I didn’t get his name, though. Haha! I'll update you kapag nalaman ko na ang name niya! Haha!

Brewskie Pasta Hub
Fatty Krabby – Php 178
Here, we ordered Fatty Krabby. Pero sana nga they named it Krabby Fatty na lang, eh. Wala lang, I love Spongebob Squarepants! Anyway, our order was a linguine pasta with special aligue sauce and shrimp. Super sarap! Not your ordinary pasta dish, it was extraordinary! That aligue sauce was creamy, milky, and delicious in all forms!

Tori Joint
Tonkotsu Ramen – Php 200
I love ramen so much! Kaya walang duda na isang mangkok ng ramen ang in-order namin. We ordered Tonkotsu Ramen and it tasted very authentic. I loved its firm noodles and the soup was excellent.



The Amazing Churros & Fantastic Dips
The Amazing Churros Ice Cream – Php 100
The marshmallow-coated churros were A+mazing! ‘Yung ice cream naman mismo ay masarap din, it resembled to a taste of Hersey’s dark chocolate. It was a bowl of sweet overload that Willy Wonka would be proud of!



Hip On
Mixed Balls – Php 50
Dalawang order ng Mixed Balls nila ang in-order namin sa Hip On para sa aming appetizer. May halong fishballs, squid balls, chicken balls, at kikiam ang isang order ng Mixed Balls kasama ang sweet and spicy sauce nila.



Bar Area
May dalawang parte sa bar area. Ang una ay nagbebenta ng mga alcoholic drinks such as cocktails at beer. Ang pangalawang bahagi naman ay kung nasaan ang mga non-alcoholic drinks like raspberry punch at green iced tea na aming in-order. Tip #3: We find ways… again! Nung mag-o-order na kami ay wala na daw big bowl na Php 120 lang
Big Bowl Punch – Php 120
na kasya sa 4-6 katao, ang meron na lang daw ay ‘yung Php 100 na large bowl na dalawa lang ang makaiinom. Wala na daw kasi silang available basyo ng big bowl, lahat daw nasa dining area na. Kaya nag-ikot kami ng kaibigan ko para maghanap ng mga tables na tapos ng uminom ng mga punch nila. We used a little bit of our waitering skills and asked some customers, “Are you done with that?” Sabay kuha ng basyo ng big bowls nila para magamit namin sa aming orders. Eh di nakatipid kami. Told you, we find ways! Haha!

Senorita
Live Action Nachos was our order here. Isang plato ng crispy nachos, cheese, ground beef, jalapeno, corn, at ang kanilang special sauce. Isang appetizer na napakasarap!

Live Action Nachos – Php 190
Hungry Heroes
Hunger Heroes Burger – Php 150
Isang burger na may malaking patty at isang ring of pineapple at isang cheesy, mushroom bacon burger na talaga nga namang napakasarap! Isang kagat lang lasap mo ang sarap. Hindi isang kagat, tinapay lahat. Haha! This was one of my best burger experiences ever! I will truly order one of these again! Worth every money spent!

Now, let’s see kung umabot ba sa P229 ang gastos ko sa Carnival Food Park sa Marikina. Here’s the total computation:

Piggin’ Out’s Sisig Meal – Php 300 (two orders)
Brewskie’s Fatty Krabby – Php 178 (one order)
Tori Joint’s Tonkotsu Ramen – Php 200 (one order)
The Amazing Churros Ice Cream – Php 100 (one order)
Hip On’s Mixed Balls – Php 100 (two orders)
Bar Area’s Big Bowl Punch – Php 240 (two orders)
Senorita’s Live Action Nachos – Php 190 (one order)
Hunger Hero Burger – Php 300 (two orders)

Total food cost: Php 1608 / 7 people = Php 229 per person

Wow, amazing! Pitong tao ang nabusog sa halagang Php 229 kada isa. Not bad at all. Alam niyo bang umuwi kaming super sakit ng mga tiyan sa kabusugan. Haha! Hindi lang kami busog, nag-enjoy pa kami sa napakagandang view ng paligid. Halika na, dalhin na ang buong barkada at pamilya sa Carnival Food Park. I’m sure lahat kayo ay mag-e-enjoy dito! Gora na!

No comments:

Post a Comment